Arts and Music / Culture / Entertainment

The ‘Lakbay Lahi’ Experience: A Raw and Organic Improvisation of Ethnic Filipino Music

P_20170831_172553_1_p

I saw Lakbay Lahi perform many times in Dasma, Cavite and they’re not some typical band playing and tweaking with amplified instruments – the guitar, the effects pedal, the drums, and the keyboard, etc. They don’t even have a vocalist!

I watched them… NO, I experienced them – YES! That’s the perfect word – and a musical experience with Lakbay Lahi was like an unforgettable ride, something that you will remember for a long time.

Lakbay Lahi is different. You get lost with the percussion, and their raw mix of improvisational bliss on who-knows-what musical instruments they’re playing. At one time during their performance, they handed shakers, bells and chimes to their audience and invited them to play along. It was beautiful.

I was there when Lakbay Lahi was invited to various campus gatherings, and with their organic and untainted music, they started opening events with their performance of instrumental prayers.

This is my Lakbay Lahi experience, and I am honored to have met and get along with one of its member Heidi Sarno, and this is our little chat.


P_20170831_172040_1_p

Ano ang opisyal na pangalan ng inyong grupo?

Ang opisyal na pangalan ng aming grupo ay Lakbay Lahi.

Kailan nagsimula ang inyong grupo?

1999 nang magsimula ito.

Paano nagsimula ang inyong grupo?

Dati Lakbay Diwa ang pangalan ng grupo. Iyong Lakbay Diwa, isang column sa tabloid na nabasa ni Dok. Apat ang orihinal na kasapi/miyembro. Binubuo nila Gerard “Dok” Natividad, mga kaklase at dormmates niya. Ang una at huling pagtatanghal nila ay noong Kantahan Tugtugan Sayawan (KTS 2) sa DLSU-D. Sa cover songs ng Yano na Naroon at Joey Ayala na Karaniwang Tao na tinugtog nila naglapitan ang mga manonood. Kasi si Dok, nagkubing (jaw harp). Noong mga panahong iyon, maraming hindi nakakaalam sa instrumentong iyon. Kumbaga, naintriga kasi kakaiba. Doon na nagsimulang magkaroon ng manonood ang Lakbay. Iyong pagkahilig sa indigenous music nila Dok, nagsimula iyon nang pababa na sila ng bundok. Mountaineer kasi siya noong College, DLS-Dasmariñas Mountaineering Society. Personal nilang nasaksihan at naranasan iyong ritwal, sayawan, chants at tugtugan na ginagawa ng IPs doon. Nagsimula na siyang mahilig sa musika nila Joey Ayala at Grace Nono.

P_20170831_172653_1_p

Matapos ang pagtatanghal sa KTS 2, naiba na ang mga naging kasapi. Parang naging loose group na. Barbaric ang naging tunog. Kumbaga, kahit sino maaaring maki-jam. Percussive ang naging tunog. Sa lahat ng naging kasapi ng Lakbay, si Dok na lang ang natitira. ??

Nagtanghal na ulit ang grupo sa KTS 3. Iba na ang mga miyembro, kalaunan naging Lakbay Lahi na ang naging pangalan.

Noong nagsisimula pa lang, nanghihiram pa ng mga instrumento sa La Salle Filipiniana Dance Company (LSFDC). Alumnus kasi sila Dok ng FDC. Tapos paunti-unti, nag-invest na ng sariling instrumento. Nagkaroon na ng anim na core members.

Panapanahon, napapalitan kasi may mga personal na dahilan, kailangang mag-migrate, kailangang magtrabaho, gustong sumubok ng ibang genre at ibang bagay. ??

P_20170831_172500_1_p

Sinu-sino ang kasalukuyang miyembro ng Lakbay-Lahi at ano ang posisyon o instrumentong hawak?

Hindi kabanda ang nais itawag ng mga miyembro sa kanilang kasama sa grupo kundi kaibigan at kapamilya.

Sa unang album, “Lakbay Lahi,” copyright 2004, ang mga miyembro ay sina:

  • Gerard “Dok” Natividad – Hegalong
  • Ryan Kenneth Calderon – Djembe
  • Erick Calilan – Djembe
  • Francis Yabis – Kubing at Djembe
  • Heidi Sarno – Maliliit na instrumento (chimes, bells, shakers, etc.)
  • Nina Garcia (Dancer).
  • Sessionists sila Jonjie Ayson-gitara, sugaypo at Roy T. Cruz-bass.

Pero sa recording at pagtatanghal nagpapalitan ng mga instrumento. Depende kung sino ang available.

P_20170831_171852_1_p

Sa ikalawang album, “Biyaheng Organik,” Copyright 2009, ang mga miyembro ay sina Gerard “Dok” Natividad, Ryan Kenneth Calderon, Roy Arnaldo Cruz, Erick Calilan, Francis Yabis, Heidi Sarno, Nina de Leon, Sean Roy Yulo, Albert Esguerra, Althea Mari at Mel Araneta.

Iyong ikatlong album, nasa recording studio pa at hindi pa nailalabas.

Lahat ng abums ay independently produced. Mula sa mga naipong TF sa iba’t ibang gigs at minsan ambagan.

Sa ngayon, kasama nga pala sa miyembro sina Martin Bautista, Eric Diolola, Jonjie Ayson at dancers na sila Joseph Perjis at Arth Ayson.

P_20170831_172346_1_p

Sinu-sino ang Impluwensiya o Mentors ng Lakbay Lahi

Ilan sa mga impluwensya at naging mentors ng Lakbay Lahi ay sina Joey Ayala, ang founder ng Elemento na si Lirio Salvador, Jose Maceda, John Cage at Lasallian brother Ceci. Unti-unting hinubog ng bawat miyembro ng Lakbay ang kanilang kakayanan sa pagtugtog. Gayundin, pinaunlad ang kani-kanilang kaalaman tungkol sa world music o ethnic music. Organic sound art ang nais itawag ng bawat miyembro na kasapi sa lakbay sa genre ng kanilang musika.

P_20170831_172418_1_p

Bakit Lakbay Lahi ang tawag sa inyo? Anong ibig sabihin ng Lakbay-Lahi? Sino ang nagpangalan sa grupo?

Ang Lakbay Lahi ay kolektiba ng indibidwal na nagtataguyod ng organikong tunog gamit ang iba’t ibang disiplina ng sining. Sa bawat pagtatanghal iba-iba ang nabubuong tunog. Malaya ang improbisasyon sa pagtugtog. Minsan mayroon ding nagpipinta, spoken word, nagsasayaw habang tumutugtog sa Lakbay Lahi.  Kaiba sa ibang banda, walang bokalista ang Lakbay. Mga mananayaw lamang. Hindi rin nagpa-praktis ang grupo. Kumbaga, pakiramdaman ang nangyayari. Kung ano ang mabuo, iyon na iyon.

Naniniwala ang Lakbay na hindi dapat matali sa piyesa ang mga musikero. Hindi rin responsibilidad ng musikero na i-please ang lahat ng manonood. Kahit isa lang sa tagapakinig ang mamulat o maging interesado na mag-explore sa sariling atin na musika ay maituturing nang tagumpay para sa Lakbay Lahi.

Lakbay Lahi kasi racial journey. Habang lumilipas ang panahon, lalong natututo ang tao, naglalakbay at umuunlad bilang tao, bilang musikero. Nag-eeksperimento at nakadidiskubre ng marami pang kaalaman. Si Dok ang nagpangalan.

P_20170831_172436_1_p

Noong simula, saan ang inyong mga gig? 

Noong nagsisimula pa lamang, laging naiimbitahan sa mga programa sa DLSU-D. Madalas invocation ang tinutugtugan.

Minsan naiimbitahan din sa reception ng kasal. Palibhasa mga alumni ng Filipiniana, may kaalaman sa mga tradisyonal na sayaw pangkasal at iba pa.

Naging aktibo sa mga gig sa Maynila at Quezon City noong mapabilang ang Lakbay Lahi sa Republika ng Musika. Ito ay grupo ng mga banda na “world music” ang genre ng mga tugtog. Ilan sa mga grupo at bandang kasama namin sa Republika ng Musika ay ang Makiling, Kadangyan, Syalam, Talahib at Baylan. Dati madalas kami sa Penguin Cafe, 1951 Bar, Conspiracy Bar, Magnet, Sev’s Cafe.

P_20170831_171641_1_p

Ano naman ang pinaka-memorable ninyong gig?

Siguro iba-iba kami ng magiging sagot sa most memorable gig. Maari ding sabihin na lahat. Kasi hindi naman nauulit na kaparehong-kapareho ang tugtog namin e. Pero para sa akin, iyong tugtog namin sa isang KTS na ginanap sa DLSU-D grandstand. Habang tumutugtog kami, pakiramdam ko, tumigil ang oras. Wala akong ibang narinig kundi iyong piyesa namin. Kumbaga parang natural high. Hindi ko maipaliwanag. Basta masaya, masarap sa pakiramdam.

Sinu-sino o anung masasabi ninyo sa mga “audience” o taga-pakinig/suporta ng Lakbay-Lahi?

Madalas akala nila katulad kami ng Pinikpikan na may bokalista. Pero nagugulat sila na imbis na bokalista, mananayaw ang kasabay ng aming tugtog. Mayroon mang boses silang maririnig, kalimitan ito’y chant o kaya’y spoken word.

Kalimitan, napapasayaw ang manonood sa amin. Nagiging parang communal gathering ang set namin sa mga gig.

Mayroon bang mga kakaiba o nakakatuwang mga kwento sa inyong grupo o sa mga gig?

Marami. Minsan inimbitahan kami sa kasal. Gusto nila aralin namin at bigyan ng ibang rendition iyong mga mainstream na piyesa. Syempre hindi naman namin iyon ginagawa.

May mga gig din kaming nagwo-workshop sa mga estudyante at kabataan. Iyon, masaya at interesanteng gawin. Kasi game na game ang mga bata. Saka hindi takot mag-explore at walang hesitation sa sarili ang mga bata.

P_20170831_171656_1_pPwede bang maimbitahan ang inyong grupo para mag-perform? Saan pwede mapanood ang Lakbay-Lahi?

Maaari naman. Sa ngayon hirap lang sa iskedyul ng mga miyembro. Kasi si Dok, Martin at iba pang miyembro ay laging on call sa trabaho. Aktibo kasi sila sa search and rescue at red cross. Basta sabihan lang nang maaga, makakapag-ayos naman ng iskedyul. Saka kahit hindi naman kumpletong makatugtog ang lahat ng miyembro, Lakbay Lahi pa rin namang maituturing iyon.

May Facebook Page ang Lakbay Lahi. May ilan ding pagtatanghal na naka-upload sa youtube. Kopya ng Albums, siguro papa-repro pa ulit.

Anong ang mensahe ng Lakbay-Lahi sa mundo?

Huwag matakot mag-eksperimento at lumabas sa comfort zone. Kasi kung manggagaya at kokopya lang tayo ng musikang tinutugtog na sa mainstream, bakit hindi na lang tayo makinig ng orihinal na CD? Hindi ba? Mas mabuti iyong orihinal natin. Para mayroon tayong maiambag kahit papaano. Saka bago tayo tumanaw sa kanluranin, bakit hindi muna natin paunlarin at kilalanin ang sariling atin o iyong nasa bakuran natin.


Advertisements